7.11.07

ano ba talaga kuya!?


ano ka ba talaga hah?!

22.9.07

3 stages

ELEMENTARY LYP:


todo aral
no syota
puro laro


HYSKUL LYP:

konting aral
patagong syota
bawas laro

COLLEGE LYP:

walang aral
sabay-sabay na syota
sa kama na naglalaro

hahahahahahaha :P

8.9.07

hapi bertdey

september 8.

hapi bertdey mama mary.

sana maligaya kayo sa inyong kaarawan...

mahal namin kayo...

invite nyo naman ako!



pis awt!

17.8.07

biktim of lab!

paano na kalimutan ang pait sa pagmamahal?

isang bote ng alak,

isang hithit ang yosi...

sana nga noh?

nailuluwa ng pagsuka ang sakit

at naisasabay

sa usok

ang lahat ng hinanakit...

15.8.07

medyo minalas.. pero swerte pa rin

punta ako kahapon dun sa internet cafe na binabantayan ng kaibigan ko.. kasi nga miss ko na yung crush ko dun.. ang tagal ko dun.. nakaka tatlong oras na ako sa kagagamit ng kumpyuter, di pa rin siya dumating.. tapos tumambay pa ako dun.. nagbabakasakali.. wala pa rin.. nakakainis.. hanggang sa naisip ko ng umuwi.. wala naman kasi siya dun.. tapos sabi pa ng kaibigan ko medyo matagal na rin siyang hindi nagagawi doon.. kaya naisip kong baka hindi na nga siya darating.. nang pauwi na ako.. inaatok pa ako sa loob ng sinasakyan kong dyipney.. nang biglang tumunog ang celpon ko.. at ang sabi : "ding.. c batc toh.. balik ka dito bilis..kararating lang ng aydol mo. bagong paligo.. hihihihi".. talaga naman.. biglang nabuhay ang dugo ko! bwahahahahaha... dali-dali kong pinara ang dyipney at kamuntik na akong tumalon pababa sa... excited ang lola.. hahaha.. humahangos pa nga ako ng dumating ako doon.. nakakahiya.. masyado akong excited.. halata masyado.. ngising kabayo naman yung kaibigan ko.. masyado daw akong excited... eh ano ngayon.. heheh.. sa talaga namang excited ako.. hehe.. tapos pagdating ko.. binati pa niya ako.. tapos chika-chika pa kami.. (feeling close daw) hehe. hintay pa kasi niya ang paborito niyang pc.. tapos konting harutan pa ng sa wakas ay wala ng gumamit dun sa paborito niyang pc.. pag gamit niya... gamit din uli ako ng pc.. para sabay kami.. hehehe.. feeling close masyado.. wala lang.. wala din naman akong ginagawa eh... eh di sinabayan ko na rin siya... ano ba naman tong pinagagawa ko.. kakaloka! waaaaaaah

6.8.07

pasulyap-sulyap ka kunwari

kinikilig naman ako! ano bah to! hehe... ganito kasi yun.. yung isa kong kaibigan, eh nag tatrabaho sa isang cafe.. siya yung attendant dun... tapos pinuntahan ko siya minsan dun sa cafe.. tapos marami tumatambay dun na mga istudyante.. nahahambugan nga ako kasi ang hahangin ng mga gago..kasi mga bata pa eh.. nagpapasikta pa.. bagong sibol kasi.. pero may maipagmamayabang na mga mukha ha.. tapos isang araw habang nasa labas ako ng crown paper sa tapat ng jolibee, may dumaan na isang lalaki... ngumiti siya.. eh hindi ko naman siya kilala.. kaya ngumiti na rin ako ng pilit.. tapos, pilit kung inaalala kung saan ko ba siya nakilala.. yun pala isa siya dun sa mga tumatambay sa cafe na binabantayan ng kaibigan ko.. tapos.. dun ko lang napansin na masarap pala siyang tingnan..hehe.. dun ko lang napansin na delicious pala siya.. kung di pa siya ngumiti nung dumaan siya sa tapat ko hindi ko pa siya mapagtuunan ng pansin.. hehe.. kaya mula noon.. naging tambayan ko na rin ang cafe na yun.. hehe.. kahit wala naman akong sadya dun.. simpleng patingin-tingin lang ang ginagawa ko..makikipagtsismisan sa kaibigan ko sabay palihim na sulyap sa kanya habang abalang-abala sa paglalaro ng dota.. nakakahiya kasing maglandi eh.. di ako masyadong sanay.. hehe.. tapos noong isang araw.. habang tumambay na naman ako dun... bumili ako ng coke tsaka piatos.. naks naman... nanghingi siya! syempre pa, abot tenga ngiti ko sabay abot sa kanya.. tapos inalok ko pa ng coke.. iisang baso lang ang ginamit namin.. ok na rin yun.. hehe.. naman.. ang bango ng loko! fresh na fresh ang dating. tapos ang gandang pumorma.. basta.. ng dahil lang sa pagdaan niya at pagngiti niya sa akin minsan kaya ako nagkakaganito. kailangan ko na talagang maglandi para madali ko na ang isang to! go! go!
matagal-tagal na rin namang wala akong ka-labtem eh.. tagal na talaga.. tapos yung huli pa.. ako pa ang parang iniwan.. ako pa ang parang naghahabol.. kaya siguro namihasa ang lokong yun dahil alam niyang hahabulin ko siya.. buti na lang nauntog na ako bago pa mahuli ang lahat.. pero ang isang to.. gusto ko talaga to.. parang maglalandi na naman ang lola.. hehe.. konting dasal lang at konting kalabit pwede na siguro.. heheh.. hanggang sa uulitin! weeee

30.7.07

say cheese!

ang relationship ay parang spaghetti at ang cheese ay parang sex, na kahit wala wala ito pwede mo pa rin siyang kainin lalo na kong love na love mo ito. ang cheese bonus na lang yun. eventually kapay nanamnam mo na ang sauce ng relationship, marerealize mo na cheese is not that important, just like sex.. kasi kung cheese lang ang gusto mong matikman sa spaghetti, sana lumamon ka na lang ng isang buong keso de bola.
p.s. may inglis na sa post kong ito... hehe

21.7.07

comelec! comelec!

sabado. pang anim na araw sa rehistrasyon para sa botohan ngayong darating na oktubre.. ang hirap ng pinagdaanan ko.. ewan ko lang kung pareho ba tayong lahat ng pinagdaanan.. sobrang hirap talaga.. ang init tapos ang liit ng opisina ng comelec dito sa amin. tapos ang bagal ang proseso. isang kompyuter lang ang gamit. isa rin lang ang taga kuha ng pektyur. tapos ang dami-daming tao! ibat-iba ang amoy! andaming may putok! ayaw ko naman talagang magpa rehistro eh.. kung di lang ba ako pagagalitan ng tatay ko. tapos andami pang bastos.. habang nakapila at nag tutulakan meron pang naghihipo.. sumasakay sa panahon.. hay... masasabi ko talagang palpak ang rehistrasyon ngayon.. ngayon nga lang bah? para namang simula pa noun palpak na.. tsk.. wala na talagang pinagbago..
natapos na lang ang araw.. inabot na ako ng gutom at uhaw.. pawis na pawis.. mukha ng `momo.. hindi pa rin ako tapos.. ni porma nga wala akong nakuha.. nasayang lang ang araw ko.. bukas na naman ako makikibaka para rehistrasyon.hehe.. sana papalarin.

20.7.07

si david beckham.. bOw!






bat kaya ang gwapo niya? paano kaya siya ginawa? hahaha
ang sarap niya!












kakainggit naman si victoria..eheh
ano ba yan?! ------------------------------------>>











16.7.07

charing!!!!!

hahah... nakita ko sa telebisyon kagabi.. sikat na pala ang 1017 na banda(galing davao).. hehe.. nun nandun pa ako sa davao palagi ko itong naririnig.. natatawa nga ako eh.. agahan.. tanghalian.. hapunan.. ito palagi ang pinatutugtug dun sa karenderyang kinakainan namin ng mga katropa ko.. indi ko aakalain na sisikat to masyado kasi sikat na eh... sa davao pa lang.. umabot na pala sa maynila.. bigatin!!!!
ang storya nga pala ng kantang to.. sa mga hindi nakakaintindi.. eh.. hindi nakikita sa porma ang tunay na kulay ng isang tao.. haha.. kasi pa macho epek ang drama ng loko.. charing naman pala! kakahiya!
gusto ko sana mag post ng bedyo nito.. kaso wala akong makitang video sa youtube eh.. hehe.. baka sa susunod meron na... ganda ng bedyo nito..



15.7.07

buhos pa ulan... LaLaLa

lakas ng ulan! grabe! lameg! gandang pagkakataon para mag muni-muni ng mga bagay-bagay at buhay-buhay. maalala ko nga.. ah.. gusto ko nga palang magpaputol ng buhok... kasi medyo mahaba na at hindi ako sanay.. ito nga pala ang unang pagkakataon kong nagpahaba ng buhok.. dahil nga grumadweyt ako noong marso kelangan eh medyo mahaba ang buhok para naman kahit papaano eh gumanda tayo ng konti.. konting tulong ng buhok. eheh.. kaya lang ayaw ng nanay ko... kasi nga pangit daw tingnan.. gusto ko kasi magpakalbo! hindi naman talaga kalbo pero yung tipong mukhang kalbo na hindi naman masyado.. kuha nyo yun? parang hindi ata...ahahahahah.. ayaw niyang pumayag kasi daw para daw akong preso sa lagay na yun.. eh.. gusto ko.. yun lang ang gusto ko.. kung di rin lang kalbo di na lang ako magpapaputol ng buhok.








ito nga pala ang buhok ko dati.. yung medyo hindi pa mahaba.. hanggang balikat pa lang.. hindi masyadong klaro kasi medyo nakatagilid ako ng konti.. pero makintab yan.. hehehe





ito naman ang sa ngayon... bagong kuha ang pektyur na ito.. ngayong buwan lang.. pangit na ng buhok ko kelangan na ipakalbo..
bahala na nga lang.. pag-isipan ko na muna...
sa uulitin!

14.7.07

natutulog ba ang diyos?

kung magparusa ang diyos.. para namang ang laki ng kasalanan ko sa kanya.. ano ba naman itong pinasok ko! argh
hindi ko alam kung ano ba itong pinasok ko.. pinagsisisihan ko na tuloy.. kasi ganito yun...may nag alok sa akin ng turuan ko daw ang kanyang anak(babae ito) sa mga aralin nito dahil medyo hindi niya na napagtutuunan ng pansin dahil sa abalang abala kunwari sa pagkakayud upang magkapera..eh.. akala ko naman madali lang.. akalain mo.. hyskul na.. kaya.. walang atubiling tinanggap ko.. naman... hindi ko akalain saksakan naman pala ng bobo... napakabobita naman pala.. eh ang arte arte pa naman.. akala mo kung sinong nagmamaganda! ako lang kaya lahat ng gumagawa sa takdang aralin, mga proyekto at kung anu-ano pa. kung magtuturuan na kami.. kulang na lang lumabas na lang lahat ng litid sa leeg ko.. kukulangin ang isang litrong tubig dahil tinutuyuan talaga ako sa katuturo.at aba!kung makaasta akala mo kung sino... akala ko pa naman hindi na ako masayadong istambay sa lagay na yun.. eh.. parang hindi na ako makatatagal eh.. tulad na lang ngayon may asignatura ang bobita ako lang lahat ang gumagawa.. hay naku.. buhay nga naman.. kung gustuhin mo na sanang kumita.. hindi naman masyadong nabibiyayaan ng magandang pagkakataon.. natutulog ba ang diyos? kung hindi magparamdam ka naman.. salamat po.

10.7.07

si pareng eduardo..bow!

heto na naman ako.. pasok na naman sa internitan malapit sa skuylahan ng kapatid ko.. walang masyadong magawa eh.. tapos binuksan ko agad tong pahina ko.. nang! makita kong may nag iwan ng mensahe sa aking pahina... kung di ninyo naiintindihan ang mga sinabi ko.. andiyan lang o.. sa may ibabang bahagi ng pahina ko.. mga damong ligaw ang nakapangalan.. kita niyo na? buti naman.. ang sabi dun.. itxt ko daw siya... palakaibigan naman daw siya.. iyon ang sabi.. eh wala naman akong masyadong ginagawa.. kaya tinext ko na.. sumagot naman kaagad.. eh ako naman na walang kapitolyo sa chika lang nag text.. buti na lang may chika.. hahah.. tapos konting palitan ng text... tsat kami sa yahoo... maganda naman ang naging usapan namin.. naging magkaibigan... tsismisan kami nang tsismisan.. napag-alaman kong tatlumpu`t tatlong taon na siya.. sa makati nagbabanat ng buto.. hiwalay sa asawa..pero may anak.. mukhang minalas sa pag-ibig eh.. maaga kasing naglaro sa apoy.. kaya yun tuloy ang inabot.. dami pang pinag-tsitsismisan namin.. hanggang sa wala nang mapag-usapan.. kaya nagpaalam na ako.. yun lang.. heheh.. ano pa bah? wala na.. yun lang.. sa uulitin! :s

8.7.07

oh istambay.. oh istambay

oh istambay... oh istambay... ano kayang gagawin ko ngayon... hmmm.. masyadong na akong aburido.. deym! ah... mabuti pa.. lagyan ko ng tugtugin itong pahina ko.. haha.. tugtug? nu ba yan!? isa ito sa pinakapaborito kong awitin na bisrock.. indi to maiiitindihan ng lahat alam ko.. pero ganda ng kantang to.. ito`y tungkol sa buhay ng isang taong gaya ko... buhay istambay din.. sa uulitin ko na tatapusin to, may gagawin pa ako! iwanan nyo na lang komento nyo.. kung meron man! mahal kayo ni LORD!

5.7.07

maaLaaLa mo kaya donya eutikya

magandang araw mga tagasubaybay.. ang kwentong inyong matutunghayan ngayon ay hindi hango sa sarili kung buhay.. ito ay kwento sa salitang inglis na nilapatan ko ng sarili kong bersyon sa diyalektong pilpino... At heto na...

Nanaliti pa rin akong nakatitig sa telepono. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig. Katatawag lang ng matalik kong kaibigan na si Sam. Ipinaalam nya sa akin na sa kauna-unahang pagkakataon ay magdaraos kami ng aming unang pagtitipon ng mga kasabayan ko sa hyskul pagkatapos ng limang mahahabang taon.At si Vic pa mismo ang nagplano ng lahat ng ito. Vic... parang umaalingawngaw pa rin sa aking pandinig ang kanyang pangalan.Sino nga ba si Vic sa buhay ko limang taon na ang nagdaan...?

Si Vic ang natatanging lalaki na hinangaan sa tanang buhay ko noong hyskul. Hindi ko gaanong napansin kung gaano kaamo ang kanyang mga mata, kung gaano siya kakisig sa kanyang uniporme, kung paano siya maglakad, kung gaano siya kasarap tingnan habang nagsasalita o kung paano siya tumawa hanggang sa huling taon namin sa hyskul. Nagsimula iyon isang araw ng halos hindi ko na maibuka ang talukap ng aking mga mata.Hindi rin naman kasi kasarapan ang talakayan noon. Kasaysayan ang aralin. Talagang antok na antok na ako. Sino ba naman ang hindi aantukin lagpas hatinggabi na ako nang nakatulog dahil sa kapapanood ng pelikulang pang pag-ibig.Eksaktong pagkahikab ko ng bigla akong kalabitin ni Sam. "Azalea"! dumadagundong ang tinig na iyon. Parang may tumatawg sa akin. Akala koy nanaginip ako. Ngunit bakit parang pamilyar sa aking ang tinig na iyon? Saka ko namalayan na boses na pala yun ng galit kong propesor. Biglang napatayo ako, lahat ng mga mata`y nakatutuk na sa akin. Tinatawag pala ako ng aming propeson nang hindi ko namamalayan. At sa totoo lang hindi ko talaga naiintindihan ang mga lumalabas sa bibig nya! Sinubukan kong magtahi-tahi ng sagot pero talagang blangko ang utak ko. Nagsimula nang tumawa ang iban kong kaklase. Si Sam ay sinubukang tumulong ngunit hindi ko mabasa ang buka ng bibig nya. Kamuntik na akong maiyak ng may nagtaas ng kamay. Paglingon ko si Vic pala iyon. Sinagip niya ako, sinagip niya ako sa galit ng propesor ko at sa mga nanunuyang tingin ng mga kaklase namin. Para siyang anghel sa paningin ko ng mga oras na iyon. Tiningnan nya ako at matamis na nginitian. Isang napakasensirong ngiti na para bang nais niyang iparating na wala na akong dapat pang alalahanin. At mula nga ng araw na iyon, nagsimula ng mahulog ang loob ko sa kanya..

Magmula nga noon, nagsimula na akong mapansin ang mga magagandang katangian ni Vic. Kung gaano kaayos ang kanyang sulat kamay, gaano siya kabango at kahit ng ang paminsang pagsulyap niya sa kanyang relo`y napapansin ko na rin. Si Vic ang kandidato para maging balediktoryan. Siya rin ang presidente ng aming klase. Hindi naman talaga kami malapit sa isat-isa. Ni hindi nga kami nagkakaroon ng kwetuhan talaga. Si Vic kasi ay sadyang tahimik na tao. Nagsasalita lang kung kinakausap. Hindi rin siya sumasama sa aming mga kaklase. Pagkakain ng pananghalian, kung hindi sya nagbababad sa silid aklatan, nakaupo naman siya sa may upuan sa ilalim ng punong mangga, nagbabasa. Iyon ang tambayan niya.

Isang hapon hindi ko siya nakita sa punong tambayan niya kaya akala ko`y baka nasa silid aklatan siya. Kaya naisipan kong maupo doon at magbasa ng nobela. Nasa kalagitnaan ako nang aking pagbabasa ng naramdaman kong may nakamasid sa akin sa may likuran ko. Si Vic iyon, nakatayo. At nagtangkang umalis.

Pinigilan ko siya, at sinabing ako na lang ang aalis dahil sa kanya naman talaga ang pwestong iyon. Pero tumanggi siya at iminungkahing huwag na lang akong umalis at pwede naman kaming magkatabing maupo sa upuang iyon. Nagtabi nga kami. Siya ay nagbabasa ng kathang isip na nobela habang ako naman nagkukunwaring dalang-dala sa binabasa kong nobela. Ang lakas ng kabog ng dibdib.. Natakot nga akong naka marinig niya.

MArch 16,1998. Ang sakit ng ulo ko pagkagising. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang maga ng mga mata ko. Inumaga kasi ako sa kaiiyak sa kadahilanang gagradweyt na ako kinabukasan. Nakakatawa diba? Tapos na ang buhay hyskul ko at isa lang ang ibig sabihin noun. Tapos na rin ang kabanata ni Vic sa buhay ko. Natatakot akong iyon na ang huling pagkikita namin,iyon na ang huling beses na matatanaw ko siya buhat sa malayo.. Hindi pa namin alam ang nakalaan para sa amin. Kung saan kami dalhin nang tadhana.

Mangiyak-ngiyak na ako habang minamasdan ko siyang nagbibigay ng kanyang talumpati bilang balediktoryan. At nang matapos nga ang seremonya hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili. Hinayaan ko nang pumatak ang matagal ko nang tinitimping luha. Hindi ko na talaga napigilan. Para nang sasabog ang puso ko.

Nang naging abala na ang lahat sa pagbabatian, pagbibigay at pagtanggap ng regalo, pagkuha ng litrato, lumabas ako. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko gusto kong mapag-isa. Hanggang namalayan ko na lang na lang na ang daang binabaybay ng mga paa ko`y papunta sa ilalim ng punong mangga. Nakatayo lang ako habang tinitititigan ang bakanteng upuan. Nang maalala kong baka hinahanap na ako ng aking mga magulang, naisip kong bumalik na sa loob ng bulwagan. Nang biglang may bumati sa akin. Lumingon ko at nakita ko si Vic. Parang sandaling naumid ang dila ko. Hindi ako nakapagsalita agad. May iniabot siya sa akin. At bago pa ako nakapagsalita ay wala na siya sa harapan ko. Binuksan ko ang sobre at nakita ko ang munting sulat na nagsasabing :"Dito uli pagkatapos ng limang taon".

Tama nga ang hinala ko, iyon na ang huling pagkakataon na makita ko siya. Dahil walang ni isa man lang sa mga kaklase namin ang nakakaalam kung nasaan na siya o kung anong kolehiyo ang kanyang pinasukan.

Ngayon, pagkatapos ng limang mahahabang taon, nagbalik siya at siya pa mismo ang nag organisa para sa isang pagtitipon. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galak. Akala ko nakalimutan ko na siya. Napagtanto ko ni minsan hindi siya nawaglit sa aking isipan.

March 16,2003. Kinakabahan na ako pagkaapak ko pa lang sa loob ng bulwagan kung saan kami nagtapos limang taon na ang nakalipas. Nakikita ko ulit ang dating kasiyahan noong kami`y nagtapos. Ang lakas ng tugtugan, andaming pagkain. Ang lahat ay abala, kumustahan, balitaan at kung anu-ano pa. Halos perpekto na ang lahat maliban sa isang bagay na ipinagtaka ko, nasaan si Vic? Hindi ba siya naman ang nag organisa ng pagtitipong ito? Kaya kinapalan ko na lang ang mukha ko at nagtanong-tanong ako kung may nakakita na kay Vic subalit wala ni isa man.

Lumalalim na ang gabi at lumalala pa ang kahungkagan nararamdaman ko. Hindi na siya darating. Pinaasa niya lang ako na tutuparin niya ang pangako niya. O pangako nga ba talaga iyon? Naaalala pa kaya niya ang sulat na ibinigay niya sa akin?

Lumabas ako sa bulwagan. Kailangan ko na sariwang hangin. O kailangan ko lang talagang mapag-isa gaya ng ginawa ko noong kami`y nagtapos. Ayokong magsaya habang ang puso ko nama`y umiiyak. Iyon pa rin ang nararamdaman ko limang taon na ang nakalipas. Sa ikalawang pagkakaton, dinurog ni Vic ang puso ko. Napakaganda ng sinag ng buwan. Naisip kong puntahan ang dating upuan namin ni Vic. Sinabi ko sa sarili kong baka doon niya ako hinihintay. Nakadama ako ng munting pag-asa. Binilisan ko ang akong mga hakbang, halos patakbo na. Ang tibok ng aking puso ay kasingbilis ng aking mga hakbang. Subalit bigla akong napatigil, nawalan ng pag-asa, yuko ang mga balikat at hinayaan kung dumaloy ang aking mga luha.

"Dumating ka!", biglang may nagsalita. Mula sa kadiliman ay lumabas siya at dahan dahang lumapit sa akin. Ang laki ng ipinagbago niya. Maputla at payat. Nawala ang dating Vic na nagpapasigla sa araw ko. Ang dating Vic na may maamong mga mata, ang mga labing parang laging nakangiti. Ang Vic na nakita ko ngayon ay nakaupo sa isang silyang de gulong, na ang ulo ay nababalutan ng benda. Pinilit kong magsalita ngunit walang ano man ang lumabas sa bibig ko.

Parang may bara sa aking lalamunan. "Anong nangyari?" sa wakas ay nagawa kong itanong. "Nagkaroon ako ng kanser sa utak", aniya. "Nilalabanan ko ito simula pa nung mga huling araw natin sa hyskul".

Hindi ko matanggap ang sinabi niya. Bakit? Bakit sa kanya pa dapat mangyari ang ganito? Ngunit napagtanto ko ring baka ito ang kapalaran niya. Ang kapalaran namin. Ang lahat ng mga nangyayari ay may kadahilanan.

"Nalaman ko ang kalagayan ko sa mismong araw na pinlano kong magtapat sa babaeng mahal ko. Minahal ko siya mula noong iniligtas ko siya sa kawalang pag-asa. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Dahil sa araw ding iyon nalaman kong meron pala akong karamdamang hindi nagagamot. Nang araw na iyon nasa akin na lahat ng pagkakataong sabihin kung gaano ko siya kamahal ngunit ayaw kong maging maramot. Kailangan isipin ko rin ang damdamin niya. Ayokong ipaalam at ipadama ang pag-ibig na hindi naman niya mapanghahawakan habang buhay. Subalit, nagbabakasali pa rin ako. Sa araw ng aming pagtatapos, sinabi ko sa sarili ko kong makakaligtas ako sa loob ng limang taon, saka ko ipapaalam ang damdamin ko. Kung himala mang mabuhay ako, isa lang ang ibig sabihin noun.. kami ay para sa isa`t-isa.

"Maraming beses akong nagtangkang sumuko sa laban.. na hindi ko na masabi sa kanya ang tunay kong saloobin, hindi ko maipagtapat ang tunay kong damdamin. Subalit ang mga alaala niya ang nagpapalakas sa loob ko. Tinulungan niya akong makayanan ang hirap na dinaranas ko, malayo man siya sa akin, pero ni minsan hindi siya nawaglit sa aking puso at isipan".

"Kani-kanina lang, natakot akong baka hindi siya darating. Na kinalimutan na niya ang sulat na ibinigay ko. Pero dumating siya".

"Salamat at dumating ka. Minahal kita sa loob ng napakahabang panahon. Hindi ko alam kong tama ba ang naging pasya kong hindi ipaalam sa iyo ang tunay kong nararamdaman dahil ayokong magdusa ka. Hindi ko alam ang kahihinatnan ko pagkatapos ng lahat ng ito. Pero masaya na rin ako dahil nasabi ko ang tunay ng nilalaman ng puso ko. Laking pasasalamat ko sa Diyos para sa pagkakataong ito na ibinigay niya sa akin. Pagod na rin ako, subalit ito na ang pinakamasayang araw sa tanang buhay ko".

Hindi ko nagawang magsalita. Hinayaan ko na lang umagos sa magkabilang pisngi ko. Nginitian niya ako gaya ng ngiti niya sa akin noon sa klase namin. Nakita ko ang dating Vic na hinahangaan ko. Nag-iba man ang kanyang panlabas na anyo pero alam ko sa puso ko siya pa rin ang dating Vic na minahal nang bata kong puso.

Marahan akong lumapit at napaluhod sa kanyang kandungan. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na lumuha. Naramdaman kong hinahaplos niya ang aking buhok. Wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak. Hanggang sa tumigil ang paghaplos ng kanyang kamay. Wala na si Vic. Tuluyan na siyang nawala sa akin.

"Ang daya mo!". "Ayaw mong maging maramot pero pinagkaitan mo pa rin ako dahil hindi ko man lang naipadama sa iyo kung gaano din kita kamahal!". Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayokong mawala siya sa akin. Gusto kong maipadama sa kanya kung gaano ko siya na miss, kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal na hindi nabigyan ng panahon. Alam kong narito pa rin siya sa paligid. Nakikita pa rin niya ako`t nararamdaman.

Kinain na nang katahimikan ang gabi. Nagsimula ng tabunan ng maiitim at makakapal na ulap ang magandang sinag ng buwan. Ang mga hikbi ko`y unti-unti nang sumasabay sa bawat paghampas ng hangin. At mula sa kalayuan bahagya ko na rin lang naririnig ang musika sa bulwagan.

paiyak-iyak,

`donya eutikya







nakakabuhay ng patay

This summary is not available. Please click here to view the post.

1.7.07

isang taong tumanda

bertdey ko nga pala kahapon.. hindi ko na kayo naimbeta.. masyadong abala ang donya.. andaming bisita eh. hehe.. iba na talaga kapag nagdonya donyahan... haha.. biro lang.. walang kabuhay buhay ang bertdey ko kahapon. buti na nga lang buhay pa ako ngayon.. naman.. anlakas pa ng ulan. minsanan nga lang ang bertdey ko, inulan pa.. ano ba tawag dun...? ahh.. wag na nating gawing malas... biyaya ang ulan kahapon..mas mabuti na yung ganun.. walang handaan kahapon.. walang kapitolyo tatay ko eh.. wala namang problema sa kin yun.. ndi naman ako sanay na may handaan sa bertdey.. sapat na sakin yung buhay pa ako at nakakalakwatsa ng isang beses sa isang araw.. sapat na yun.. ano pa ba mahihiling ko.. simpleng kaligayahan lang naman ang hanap ko.. maligo dalawang beses sa isang araw... kain ang apat na beses.. nood ng telebisyon.. hawak ng kumpyuter minsan.. kinig ng musikang hilig ko.. lakwatsa minsan.. uwi sa bahay.. tulog.. hihilingin sa diyos sana abutin pa ng umaga... inaabot naman ako.. swerte pa rin.. hindi naman ang yaman at karangyaan ang tunay na sukatan ng kaligayan... haha.. ah oo nga pala maraming nga palang bumati sa akin kahapon.. nga taong itinuturing kong kaibigan.. tumanda na naman ako ng isang taon.. isang taon na naman ang nagdaan.. hindi ko naman masasabing wala talaga akong nagawa sa loob ng isang taon.. grumadweyt ako noong marso.. karangalan ko yun.. isa yun sa mga natatangi kong karangalan na pinaghirapan kong makuha.. marami pang iba.. hindi ko na lang sasabihin... baka abutin pa ako ng umaga.. hanggang dito na lang... maligayang bati sa `king sarili!

27.6.07

panahon pa ni andres bonifacio

ayon... binalikan ko nga ang aking transcript kasi yon ang sabi... ang lakas ng ulan kahapon.. nakakatamad maglakad kasi bumabaha sa daan.. eh wala naman akong magawa kasi nga naman kailangan.. kaya hayun sumigi na rin kahit na ang lakas ng buhos ng ulan.. bumabaha na sa may unibersidad namin.. buti na lang ang taas ng takong ng sapatos hindi masyadong nabasa ang pantalon ko.. buti na lang.. ang bilis kong naglakad papuntang registrar.. ang daming tao! kahit na umuulan ang dami pa ring tao.. singit ako ng singit sa pila.. medyo tamad kasi akong pumila.. nakasingit din naman ako kahit papaano.. sa lakas ng buhos ng ulan... umapaw ng ang tubig sa kanal ng unibersidad.. naku!! nang malapit na ako sa bintana ng registrar tumutulo pa ang aircon.. kainis talaga... minamalas talaga ako. hayun nakuha ko rin sa wakas ang pinakamamahal kong transcipt! Tuwang-tuwa naman itong si donya eutikya.. ang laki na kaya ng pagod ko nito… medyo maaga pa nang akoy matapos.. kaya bumisita muna ako sa aking departamento.. kumustahan sa mga dating guro.. na noon eh.. sobrang I inis sakin.. kasi medyo pasaway ang lola! Haha.. tawanan sa mga dating kaklase , kakilala at kaibigan.. ang saya ko kasi nakita ko ang aking matalik na kaibigan mula pa noong hyskul.. ang lakas ng kwentuhan naming at tawanan.. ipinagyabang ko pa ang aking transcript sa kanila…. nang napuna ko: napakaraming mali! Nakakabwisit talaga! Sino ba naman ang hindi mabibwisit eh ang nakalagay na petsa kung kailan ako nagsimula sa unibersidad na pinapasukan ko eh disyembre 30,1899.. hindi pa kaya ako ipinanganak sa mga kapanahunang iyon! Naku kung mamalasin nga naman! Di lang yon ang pangalan ng mga magulang ko nagkapalit pa! Andaming mali! Kaya ngayon heto na naman ako.. argh.. balik na naman ako.. umuusok na naman ang tainga ko.. di ko na naman napigilan ang magtalak ng magtalak.. lumingon tuloy ang ibang naroroon.. eh pakialam ko bah.. eh ako naman ang naaabala.. buti na lang pinapasok ako nung isang babae na naroon upang sa loob na pag usapan ang kanilang mali! Kinausap ako nung taga imprenta ng mga tOr. Sabi nya babalikan ko na lang daw mamayang alas singko ng hapon.. eh indi na kaya pede kasi alas kwatro ang labasan ng kapatid ko sa paaralan eh ako pa ang susundo.. kaya… babalik na naman ako bukas… kung mamalasin nga naman..

25.6.07

ang init..... ng uLo ko!

12.55 ng hapon: naglalakad si donya eutikya papuntang skwelahan.
ang init ng panahon.. sinabayan pa ito ng pag init ng ulo ko.. sino ba naman ang hindi uusok ang tainga noh... eh ang tagal kong naghintay para magbukas ang registrar ng skwelahan namin para makuha ko na ang transcript of records ko.. tapos sa tagal kong nag hintay may nakausap pa akong babae na hiniraman ko na rin ng bolpen kasi wla nga akong dala.. nakalimutan kong magdala ng sarili kong bolpen.. ayon dahil walang magawa kwentuhan na muna kami sa aming mga buhay buhay... tagal na pala niyang grumadweyt... 2004 pa.. tapos ngayon pa niya kinuha yong diploma nya.. bahala na nga siya... 1.45 nang sa wakas nagbukas na rin ang opisina ng mga batugan.. ayon unahan sa pagtakbo para makauna sa pila... eh.. hindi rin naman ako papahuli kaya ayon hinakbangan ko na ang kadena doon.. daming tumingin sa akin.. eh pakialam ko.. kailangan ko talagang mauna sa pila.. ayon nga.. nauna na nga ako.. tapos ibinigay ko na yong kalahati ng papel na ibinigay sa amin bago ang araw ng pagtatapos.. ayon kinuha na ng babae sa loob ng opisina at ang sabi maghintay hintay na muna ako kasi tatawagin lang daw ang pangalan ko pagnahanap na ang akong sadya.. naghintay hintay naman ako...tik tak tik tak.. aba mahigit kinse minutos din yon nang tawagin ang pangalan ko.. dali dali naman akong tumakbo palapit sa bukas na pinto.. sabay silip sa babaeng tumawag sa pangalan ko... nang biglang umusok ang tenga ko sa sinabi nya: balikan ko na lang daw ng mga alas kwatro ang sadya ko dahil hindi pa napirmahan ng registrar ang aking transcript! aba naman isang buwan at ilang oras akong naghintay sa wala! gusto ba naman akong bumalik pa! ang init kaya! eh indi ko napigilan ang magtalak.. hindi na ako nahiya.. naman mahihiya ka pa ba.. eh ang tagal ko na kayang naghintay sa transcript ko! kaya hayun.. wala din namang nagawa ang katatalak ko.. makauwi na nga lang... kaya ayun.. umuwi ako.. bukas na lang ulit.

bata bata paano ka ginawa?

paano ba ako magsisimula... hmmm... pagod na kasi ako sa ka iingles eh.. kaya naisipan kong gumawa ng purong tagalog.. ngawit na kasi ang dila ko.. nauubusan na rin ako ng ingles..