5.7.07

maaLaaLa mo kaya donya eutikya

magandang araw mga tagasubaybay.. ang kwentong inyong matutunghayan ngayon ay hindi hango sa sarili kung buhay.. ito ay kwento sa salitang inglis na nilapatan ko ng sarili kong bersyon sa diyalektong pilpino... At heto na...

Nanaliti pa rin akong nakatitig sa telepono. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig. Katatawag lang ng matalik kong kaibigan na si Sam. Ipinaalam nya sa akin na sa kauna-unahang pagkakataon ay magdaraos kami ng aming unang pagtitipon ng mga kasabayan ko sa hyskul pagkatapos ng limang mahahabang taon.At si Vic pa mismo ang nagplano ng lahat ng ito. Vic... parang umaalingawngaw pa rin sa aking pandinig ang kanyang pangalan.Sino nga ba si Vic sa buhay ko limang taon na ang nagdaan...?

Si Vic ang natatanging lalaki na hinangaan sa tanang buhay ko noong hyskul. Hindi ko gaanong napansin kung gaano kaamo ang kanyang mga mata, kung gaano siya kakisig sa kanyang uniporme, kung paano siya maglakad, kung gaano siya kasarap tingnan habang nagsasalita o kung paano siya tumawa hanggang sa huling taon namin sa hyskul. Nagsimula iyon isang araw ng halos hindi ko na maibuka ang talukap ng aking mga mata.Hindi rin naman kasi kasarapan ang talakayan noon. Kasaysayan ang aralin. Talagang antok na antok na ako. Sino ba naman ang hindi aantukin lagpas hatinggabi na ako nang nakatulog dahil sa kapapanood ng pelikulang pang pag-ibig.Eksaktong pagkahikab ko ng bigla akong kalabitin ni Sam. "Azalea"! dumadagundong ang tinig na iyon. Parang may tumatawg sa akin. Akala koy nanaginip ako. Ngunit bakit parang pamilyar sa aking ang tinig na iyon? Saka ko namalayan na boses na pala yun ng galit kong propesor. Biglang napatayo ako, lahat ng mga mata`y nakatutuk na sa akin. Tinatawag pala ako ng aming propeson nang hindi ko namamalayan. At sa totoo lang hindi ko talaga naiintindihan ang mga lumalabas sa bibig nya! Sinubukan kong magtahi-tahi ng sagot pero talagang blangko ang utak ko. Nagsimula nang tumawa ang iban kong kaklase. Si Sam ay sinubukang tumulong ngunit hindi ko mabasa ang buka ng bibig nya. Kamuntik na akong maiyak ng may nagtaas ng kamay. Paglingon ko si Vic pala iyon. Sinagip niya ako, sinagip niya ako sa galit ng propesor ko at sa mga nanunuyang tingin ng mga kaklase namin. Para siyang anghel sa paningin ko ng mga oras na iyon. Tiningnan nya ako at matamis na nginitian. Isang napakasensirong ngiti na para bang nais niyang iparating na wala na akong dapat pang alalahanin. At mula nga ng araw na iyon, nagsimula ng mahulog ang loob ko sa kanya..

Magmula nga noon, nagsimula na akong mapansin ang mga magagandang katangian ni Vic. Kung gaano kaayos ang kanyang sulat kamay, gaano siya kabango at kahit ng ang paminsang pagsulyap niya sa kanyang relo`y napapansin ko na rin. Si Vic ang kandidato para maging balediktoryan. Siya rin ang presidente ng aming klase. Hindi naman talaga kami malapit sa isat-isa. Ni hindi nga kami nagkakaroon ng kwetuhan talaga. Si Vic kasi ay sadyang tahimik na tao. Nagsasalita lang kung kinakausap. Hindi rin siya sumasama sa aming mga kaklase. Pagkakain ng pananghalian, kung hindi sya nagbababad sa silid aklatan, nakaupo naman siya sa may upuan sa ilalim ng punong mangga, nagbabasa. Iyon ang tambayan niya.

Isang hapon hindi ko siya nakita sa punong tambayan niya kaya akala ko`y baka nasa silid aklatan siya. Kaya naisipan kong maupo doon at magbasa ng nobela. Nasa kalagitnaan ako nang aking pagbabasa ng naramdaman kong may nakamasid sa akin sa may likuran ko. Si Vic iyon, nakatayo. At nagtangkang umalis.

Pinigilan ko siya, at sinabing ako na lang ang aalis dahil sa kanya naman talaga ang pwestong iyon. Pero tumanggi siya at iminungkahing huwag na lang akong umalis at pwede naman kaming magkatabing maupo sa upuang iyon. Nagtabi nga kami. Siya ay nagbabasa ng kathang isip na nobela habang ako naman nagkukunwaring dalang-dala sa binabasa kong nobela. Ang lakas ng kabog ng dibdib.. Natakot nga akong naka marinig niya.

MArch 16,1998. Ang sakit ng ulo ko pagkagising. Halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang maga ng mga mata ko. Inumaga kasi ako sa kaiiyak sa kadahilanang gagradweyt na ako kinabukasan. Nakakatawa diba? Tapos na ang buhay hyskul ko at isa lang ang ibig sabihin noun. Tapos na rin ang kabanata ni Vic sa buhay ko. Natatakot akong iyon na ang huling pagkikita namin,iyon na ang huling beses na matatanaw ko siya buhat sa malayo.. Hindi pa namin alam ang nakalaan para sa amin. Kung saan kami dalhin nang tadhana.

Mangiyak-ngiyak na ako habang minamasdan ko siyang nagbibigay ng kanyang talumpati bilang balediktoryan. At nang matapos nga ang seremonya hindi ko na talaga napigilan ang aking sarili. Hinayaan ko nang pumatak ang matagal ko nang tinitimping luha. Hindi ko na talaga napigilan. Para nang sasabog ang puso ko.

Nang naging abala na ang lahat sa pagbabatian, pagbibigay at pagtanggap ng regalo, pagkuha ng litrato, lumabas ako. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupunta. Ang alam ko gusto kong mapag-isa. Hanggang namalayan ko na lang na lang na ang daang binabaybay ng mga paa ko`y papunta sa ilalim ng punong mangga. Nakatayo lang ako habang tinitititigan ang bakanteng upuan. Nang maalala kong baka hinahanap na ako ng aking mga magulang, naisip kong bumalik na sa loob ng bulwagan. Nang biglang may bumati sa akin. Lumingon ko at nakita ko si Vic. Parang sandaling naumid ang dila ko. Hindi ako nakapagsalita agad. May iniabot siya sa akin. At bago pa ako nakapagsalita ay wala na siya sa harapan ko. Binuksan ko ang sobre at nakita ko ang munting sulat na nagsasabing :"Dito uli pagkatapos ng limang taon".

Tama nga ang hinala ko, iyon na ang huling pagkakataon na makita ko siya. Dahil walang ni isa man lang sa mga kaklase namin ang nakakaalam kung nasaan na siya o kung anong kolehiyo ang kanyang pinasukan.

Ngayon, pagkatapos ng limang mahahabang taon, nagbalik siya at siya pa mismo ang nag organisa para sa isang pagtitipon. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng galak. Akala ko nakalimutan ko na siya. Napagtanto ko ni minsan hindi siya nawaglit sa aking isipan.

March 16,2003. Kinakabahan na ako pagkaapak ko pa lang sa loob ng bulwagan kung saan kami nagtapos limang taon na ang nakalipas. Nakikita ko ulit ang dating kasiyahan noong kami`y nagtapos. Ang lakas ng tugtugan, andaming pagkain. Ang lahat ay abala, kumustahan, balitaan at kung anu-ano pa. Halos perpekto na ang lahat maliban sa isang bagay na ipinagtaka ko, nasaan si Vic? Hindi ba siya naman ang nag organisa ng pagtitipong ito? Kaya kinapalan ko na lang ang mukha ko at nagtanong-tanong ako kung may nakakita na kay Vic subalit wala ni isa man.

Lumalalim na ang gabi at lumalala pa ang kahungkagan nararamdaman ko. Hindi na siya darating. Pinaasa niya lang ako na tutuparin niya ang pangako niya. O pangako nga ba talaga iyon? Naaalala pa kaya niya ang sulat na ibinigay niya sa akin?

Lumabas ako sa bulwagan. Kailangan ko na sariwang hangin. O kailangan ko lang talagang mapag-isa gaya ng ginawa ko noong kami`y nagtapos. Ayokong magsaya habang ang puso ko nama`y umiiyak. Iyon pa rin ang nararamdaman ko limang taon na ang nakalipas. Sa ikalawang pagkakaton, dinurog ni Vic ang puso ko. Napakaganda ng sinag ng buwan. Naisip kong puntahan ang dating upuan namin ni Vic. Sinabi ko sa sarili kong baka doon niya ako hinihintay. Nakadama ako ng munting pag-asa. Binilisan ko ang akong mga hakbang, halos patakbo na. Ang tibok ng aking puso ay kasingbilis ng aking mga hakbang. Subalit bigla akong napatigil, nawalan ng pag-asa, yuko ang mga balikat at hinayaan kung dumaloy ang aking mga luha.

"Dumating ka!", biglang may nagsalita. Mula sa kadiliman ay lumabas siya at dahan dahang lumapit sa akin. Ang laki ng ipinagbago niya. Maputla at payat. Nawala ang dating Vic na nagpapasigla sa araw ko. Ang dating Vic na may maamong mga mata, ang mga labing parang laging nakangiti. Ang Vic na nakita ko ngayon ay nakaupo sa isang silyang de gulong, na ang ulo ay nababalutan ng benda. Pinilit kong magsalita ngunit walang ano man ang lumabas sa bibig ko.

Parang may bara sa aking lalamunan. "Anong nangyari?" sa wakas ay nagawa kong itanong. "Nagkaroon ako ng kanser sa utak", aniya. "Nilalabanan ko ito simula pa nung mga huling araw natin sa hyskul".

Hindi ko matanggap ang sinabi niya. Bakit? Bakit sa kanya pa dapat mangyari ang ganito? Ngunit napagtanto ko ring baka ito ang kapalaran niya. Ang kapalaran namin. Ang lahat ng mga nangyayari ay may kadahilanan.

"Nalaman ko ang kalagayan ko sa mismong araw na pinlano kong magtapat sa babaeng mahal ko. Minahal ko siya mula noong iniligtas ko siya sa kawalang pag-asa. Hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob para sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Dahil sa araw ding iyon nalaman kong meron pala akong karamdamang hindi nagagamot. Nang araw na iyon nasa akin na lahat ng pagkakataong sabihin kung gaano ko siya kamahal ngunit ayaw kong maging maramot. Kailangan isipin ko rin ang damdamin niya. Ayokong ipaalam at ipadama ang pag-ibig na hindi naman niya mapanghahawakan habang buhay. Subalit, nagbabakasali pa rin ako. Sa araw ng aming pagtatapos, sinabi ko sa sarili ko kong makakaligtas ako sa loob ng limang taon, saka ko ipapaalam ang damdamin ko. Kung himala mang mabuhay ako, isa lang ang ibig sabihin noun.. kami ay para sa isa`t-isa.

"Maraming beses akong nagtangkang sumuko sa laban.. na hindi ko na masabi sa kanya ang tunay kong saloobin, hindi ko maipagtapat ang tunay kong damdamin. Subalit ang mga alaala niya ang nagpapalakas sa loob ko. Tinulungan niya akong makayanan ang hirap na dinaranas ko, malayo man siya sa akin, pero ni minsan hindi siya nawaglit sa aking puso at isipan".

"Kani-kanina lang, natakot akong baka hindi siya darating. Na kinalimutan na niya ang sulat na ibinigay ko. Pero dumating siya".

"Salamat at dumating ka. Minahal kita sa loob ng napakahabang panahon. Hindi ko alam kong tama ba ang naging pasya kong hindi ipaalam sa iyo ang tunay kong nararamdaman dahil ayokong magdusa ka. Hindi ko alam ang kahihinatnan ko pagkatapos ng lahat ng ito. Pero masaya na rin ako dahil nasabi ko ang tunay ng nilalaman ng puso ko. Laking pasasalamat ko sa Diyos para sa pagkakataong ito na ibinigay niya sa akin. Pagod na rin ako, subalit ito na ang pinakamasayang araw sa tanang buhay ko".

Hindi ko nagawang magsalita. Hinayaan ko na lang umagos sa magkabilang pisngi ko. Nginitian niya ako gaya ng ngiti niya sa akin noon sa klase namin. Nakita ko ang dating Vic na hinahangaan ko. Nag-iba man ang kanyang panlabas na anyo pero alam ko sa puso ko siya pa rin ang dating Vic na minahal nang bata kong puso.

Marahan akong lumapit at napaluhod sa kanyang kandungan. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na lumuha. Naramdaman kong hinahaplos niya ang aking buhok. Wala akong magawa kundi ang umiyak nang umiyak. Hanggang sa tumigil ang paghaplos ng kanyang kamay. Wala na si Vic. Tuluyan na siyang nawala sa akin.

"Ang daya mo!". "Ayaw mong maging maramot pero pinagkaitan mo pa rin ako dahil hindi ko man lang naipadama sa iyo kung gaano din kita kamahal!". Niyakap ko siya ng mahigpit. Ayokong mawala siya sa akin. Gusto kong maipadama sa kanya kung gaano ko siya na miss, kung gaano ko siya kamahal. Gusto kong ipadama sa kanya ang pagmamahal na hindi nabigyan ng panahon. Alam kong narito pa rin siya sa paligid. Nakikita pa rin niya ako`t nararamdaman.

Kinain na nang katahimikan ang gabi. Nagsimula ng tabunan ng maiitim at makakapal na ulap ang magandang sinag ng buwan. Ang mga hikbi ko`y unti-unti nang sumasabay sa bawat paghampas ng hangin. At mula sa kalayuan bahagya ko na rin lang naririnig ang musika sa bulwagan.

paiyak-iyak,

`donya eutikya







2 comments:

Anonymous said...

What can i say...nabasa mo na comment ko eh...Maganda kwento....much better sana kung naging matapang c vic nun una pa lang para may pinuntahan sana ang relasyon nila kahit sa maiksing panahon lang....

donya eutikya said...

si pareng eduardo nag iwan ng komento.. indi naman niya alam kong paano kaya tuloy napunta sa email ko.. ako na lang ang maglipat nito sa blog ko..heto:


edzki the virus has sent you a link to a blog:

Gandang kwento...sayang di nagkaroon ng magandang ending...kakalungkot...pwede ba natin baguhin ang ending? hehehe...lam mo cguro di ako kasing gwapo at talino ni vic, but you know what? maganda rin ang hand writing ko....like vic