17.8.07

biktim of lab!

paano na kalimutan ang pait sa pagmamahal?

isang bote ng alak,

isang hithit ang yosi...

sana nga noh?

nailuluwa ng pagsuka ang sakit

at naisasabay

sa usok

ang lahat ng hinanakit...

15.8.07

medyo minalas.. pero swerte pa rin

punta ako kahapon dun sa internet cafe na binabantayan ng kaibigan ko.. kasi nga miss ko na yung crush ko dun.. ang tagal ko dun.. nakaka tatlong oras na ako sa kagagamit ng kumpyuter, di pa rin siya dumating.. tapos tumambay pa ako dun.. nagbabakasakali.. wala pa rin.. nakakainis.. hanggang sa naisip ko ng umuwi.. wala naman kasi siya dun.. tapos sabi pa ng kaibigan ko medyo matagal na rin siyang hindi nagagawi doon.. kaya naisip kong baka hindi na nga siya darating.. nang pauwi na ako.. inaatok pa ako sa loob ng sinasakyan kong dyipney.. nang biglang tumunog ang celpon ko.. at ang sabi : "ding.. c batc toh.. balik ka dito bilis..kararating lang ng aydol mo. bagong paligo.. hihihihi".. talaga naman.. biglang nabuhay ang dugo ko! bwahahahahaha... dali-dali kong pinara ang dyipney at kamuntik na akong tumalon pababa sa... excited ang lola.. hahaha.. humahangos pa nga ako ng dumating ako doon.. nakakahiya.. masyado akong excited.. halata masyado.. ngising kabayo naman yung kaibigan ko.. masyado daw akong excited... eh ano ngayon.. heheh.. sa talaga namang excited ako.. hehe.. tapos pagdating ko.. binati pa niya ako.. tapos chika-chika pa kami.. (feeling close daw) hehe. hintay pa kasi niya ang paborito niyang pc.. tapos konting harutan pa ng sa wakas ay wala ng gumamit dun sa paborito niyang pc.. pag gamit niya... gamit din uli ako ng pc.. para sabay kami.. hehehe.. feeling close masyado.. wala lang.. wala din naman akong ginagawa eh... eh di sinabayan ko na rin siya... ano ba naman tong pinagagawa ko.. kakaloka! waaaaaaah

6.8.07

pasulyap-sulyap ka kunwari

kinikilig naman ako! ano bah to! hehe... ganito kasi yun.. yung isa kong kaibigan, eh nag tatrabaho sa isang cafe.. siya yung attendant dun... tapos pinuntahan ko siya minsan dun sa cafe.. tapos marami tumatambay dun na mga istudyante.. nahahambugan nga ako kasi ang hahangin ng mga gago..kasi mga bata pa eh.. nagpapasikta pa.. bagong sibol kasi.. pero may maipagmamayabang na mga mukha ha.. tapos isang araw habang nasa labas ako ng crown paper sa tapat ng jolibee, may dumaan na isang lalaki... ngumiti siya.. eh hindi ko naman siya kilala.. kaya ngumiti na rin ako ng pilit.. tapos, pilit kung inaalala kung saan ko ba siya nakilala.. yun pala isa siya dun sa mga tumatambay sa cafe na binabantayan ng kaibigan ko.. tapos.. dun ko lang napansin na masarap pala siyang tingnan..hehe.. dun ko lang napansin na delicious pala siya.. kung di pa siya ngumiti nung dumaan siya sa tapat ko hindi ko pa siya mapagtuunan ng pansin.. hehe.. kaya mula noon.. naging tambayan ko na rin ang cafe na yun.. hehe.. kahit wala naman akong sadya dun.. simpleng patingin-tingin lang ang ginagawa ko..makikipagtsismisan sa kaibigan ko sabay palihim na sulyap sa kanya habang abalang-abala sa paglalaro ng dota.. nakakahiya kasing maglandi eh.. di ako masyadong sanay.. hehe.. tapos noong isang araw.. habang tumambay na naman ako dun... bumili ako ng coke tsaka piatos.. naks naman... nanghingi siya! syempre pa, abot tenga ngiti ko sabay abot sa kanya.. tapos inalok ko pa ng coke.. iisang baso lang ang ginamit namin.. ok na rin yun.. hehe.. naman.. ang bango ng loko! fresh na fresh ang dating. tapos ang gandang pumorma.. basta.. ng dahil lang sa pagdaan niya at pagngiti niya sa akin minsan kaya ako nagkakaganito. kailangan ko na talagang maglandi para madali ko na ang isang to! go! go!
matagal-tagal na rin namang wala akong ka-labtem eh.. tagal na talaga.. tapos yung huli pa.. ako pa ang parang iniwan.. ako pa ang parang naghahabol.. kaya siguro namihasa ang lokong yun dahil alam niyang hahabulin ko siya.. buti na lang nauntog na ako bago pa mahuli ang lahat.. pero ang isang to.. gusto ko talaga to.. parang maglalandi na naman ang lola.. hehe.. konting dasal lang at konting kalabit pwede na siguro.. heheh.. hanggang sa uulitin! weeee