6.8.07

pasulyap-sulyap ka kunwari

kinikilig naman ako! ano bah to! hehe... ganito kasi yun.. yung isa kong kaibigan, eh nag tatrabaho sa isang cafe.. siya yung attendant dun... tapos pinuntahan ko siya minsan dun sa cafe.. tapos marami tumatambay dun na mga istudyante.. nahahambugan nga ako kasi ang hahangin ng mga gago..kasi mga bata pa eh.. nagpapasikta pa.. bagong sibol kasi.. pero may maipagmamayabang na mga mukha ha.. tapos isang araw habang nasa labas ako ng crown paper sa tapat ng jolibee, may dumaan na isang lalaki... ngumiti siya.. eh hindi ko naman siya kilala.. kaya ngumiti na rin ako ng pilit.. tapos, pilit kung inaalala kung saan ko ba siya nakilala.. yun pala isa siya dun sa mga tumatambay sa cafe na binabantayan ng kaibigan ko.. tapos.. dun ko lang napansin na masarap pala siyang tingnan..hehe.. dun ko lang napansin na delicious pala siya.. kung di pa siya ngumiti nung dumaan siya sa tapat ko hindi ko pa siya mapagtuunan ng pansin.. hehe.. kaya mula noon.. naging tambayan ko na rin ang cafe na yun.. hehe.. kahit wala naman akong sadya dun.. simpleng patingin-tingin lang ang ginagawa ko..makikipagtsismisan sa kaibigan ko sabay palihim na sulyap sa kanya habang abalang-abala sa paglalaro ng dota.. nakakahiya kasing maglandi eh.. di ako masyadong sanay.. hehe.. tapos noong isang araw.. habang tumambay na naman ako dun... bumili ako ng coke tsaka piatos.. naks naman... nanghingi siya! syempre pa, abot tenga ngiti ko sabay abot sa kanya.. tapos inalok ko pa ng coke.. iisang baso lang ang ginamit namin.. ok na rin yun.. hehe.. naman.. ang bango ng loko! fresh na fresh ang dating. tapos ang gandang pumorma.. basta.. ng dahil lang sa pagdaan niya at pagngiti niya sa akin minsan kaya ako nagkakaganito. kailangan ko na talagang maglandi para madali ko na ang isang to! go! go!
matagal-tagal na rin namang wala akong ka-labtem eh.. tagal na talaga.. tapos yung huli pa.. ako pa ang parang iniwan.. ako pa ang parang naghahabol.. kaya siguro namihasa ang lokong yun dahil alam niyang hahabulin ko siya.. buti na lang nauntog na ako bago pa mahuli ang lahat.. pero ang isang to.. gusto ko talaga to.. parang maglalandi na naman ang lola.. hehe.. konting dasal lang at konting kalabit pwede na siguro.. heheh.. hanggang sa uulitin! weeee

4 comments:

Anonymous said...

wow! hehehe kinilig naman ako sa post mo!! ayikeee!! hehehe naalala ko tuloy mga kilig moments chuva ko wakeke hala cge go! kaya mu yan sna maging mganda pa ang mga araw nyong dlawa tc plagi

Anonymous said...

ganyan talaga ... you don't know what a smile could bring ... kaya smile lang lagi ... wag ka namang ganyan ... antayin mo lang si cutie pie na maunang mangalabit ... pagka kalabit OO na agad ... pero wag kang mang una ... pa conservative effect naman dyaaann ...

Anonymous said...

ay ang galing...bka paiyakin ka na naman nyan ha..pero kung saan ka masaya....GO.uunahan pa yata ako ng loko.....joke lang pow-edzki

» nhoii said...

andito aq sa saudi. hehe .