27.6.07

panahon pa ni andres bonifacio

ayon... binalikan ko nga ang aking transcript kasi yon ang sabi... ang lakas ng ulan kahapon.. nakakatamad maglakad kasi bumabaha sa daan.. eh wala naman akong magawa kasi nga naman kailangan.. kaya hayun sumigi na rin kahit na ang lakas ng buhos ng ulan.. bumabaha na sa may unibersidad namin.. buti na lang ang taas ng takong ng sapatos hindi masyadong nabasa ang pantalon ko.. buti na lang.. ang bilis kong naglakad papuntang registrar.. ang daming tao! kahit na umuulan ang dami pa ring tao.. singit ako ng singit sa pila.. medyo tamad kasi akong pumila.. nakasingit din naman ako kahit papaano.. sa lakas ng buhos ng ulan... umapaw ng ang tubig sa kanal ng unibersidad.. naku!! nang malapit na ako sa bintana ng registrar tumutulo pa ang aircon.. kainis talaga... minamalas talaga ako. hayun nakuha ko rin sa wakas ang pinakamamahal kong transcipt! Tuwang-tuwa naman itong si donya eutikya.. ang laki na kaya ng pagod ko nito… medyo maaga pa nang akoy matapos.. kaya bumisita muna ako sa aking departamento.. kumustahan sa mga dating guro.. na noon eh.. sobrang I inis sakin.. kasi medyo pasaway ang lola! Haha.. tawanan sa mga dating kaklase , kakilala at kaibigan.. ang saya ko kasi nakita ko ang aking matalik na kaibigan mula pa noong hyskul.. ang lakas ng kwentuhan naming at tawanan.. ipinagyabang ko pa ang aking transcript sa kanila…. nang napuna ko: napakaraming mali! Nakakabwisit talaga! Sino ba naman ang hindi mabibwisit eh ang nakalagay na petsa kung kailan ako nagsimula sa unibersidad na pinapasukan ko eh disyembre 30,1899.. hindi pa kaya ako ipinanganak sa mga kapanahunang iyon! Naku kung mamalasin nga naman! Di lang yon ang pangalan ng mga magulang ko nagkapalit pa! Andaming mali! Kaya ngayon heto na naman ako.. argh.. balik na naman ako.. umuusok na naman ang tainga ko.. di ko na naman napigilan ang magtalak ng magtalak.. lumingon tuloy ang ibang naroroon.. eh pakialam ko bah.. eh ako naman ang naaabala.. buti na lang pinapasok ako nung isang babae na naroon upang sa loob na pag usapan ang kanilang mali! Kinausap ako nung taga imprenta ng mga tOr. Sabi nya babalikan ko na lang daw mamayang alas singko ng hapon.. eh indi na kaya pede kasi alas kwatro ang labasan ng kapatid ko sa paaralan eh ako pa ang susundo.. kaya… babalik na naman ako bukas… kung mamalasin nga naman..

25.6.07

ang init..... ng uLo ko!

12.55 ng hapon: naglalakad si donya eutikya papuntang skwelahan.
ang init ng panahon.. sinabayan pa ito ng pag init ng ulo ko.. sino ba naman ang hindi uusok ang tainga noh... eh ang tagal kong naghintay para magbukas ang registrar ng skwelahan namin para makuha ko na ang transcript of records ko.. tapos sa tagal kong nag hintay may nakausap pa akong babae na hiniraman ko na rin ng bolpen kasi wla nga akong dala.. nakalimutan kong magdala ng sarili kong bolpen.. ayon dahil walang magawa kwentuhan na muna kami sa aming mga buhay buhay... tagal na pala niyang grumadweyt... 2004 pa.. tapos ngayon pa niya kinuha yong diploma nya.. bahala na nga siya... 1.45 nang sa wakas nagbukas na rin ang opisina ng mga batugan.. ayon unahan sa pagtakbo para makauna sa pila... eh.. hindi rin naman ako papahuli kaya ayon hinakbangan ko na ang kadena doon.. daming tumingin sa akin.. eh pakialam ko.. kailangan ko talagang mauna sa pila.. ayon nga.. nauna na nga ako.. tapos ibinigay ko na yong kalahati ng papel na ibinigay sa amin bago ang araw ng pagtatapos.. ayon kinuha na ng babae sa loob ng opisina at ang sabi maghintay hintay na muna ako kasi tatawagin lang daw ang pangalan ko pagnahanap na ang akong sadya.. naghintay hintay naman ako...tik tak tik tak.. aba mahigit kinse minutos din yon nang tawagin ang pangalan ko.. dali dali naman akong tumakbo palapit sa bukas na pinto.. sabay silip sa babaeng tumawag sa pangalan ko... nang biglang umusok ang tenga ko sa sinabi nya: balikan ko na lang daw ng mga alas kwatro ang sadya ko dahil hindi pa napirmahan ng registrar ang aking transcript! aba naman isang buwan at ilang oras akong naghintay sa wala! gusto ba naman akong bumalik pa! ang init kaya! eh indi ko napigilan ang magtalak.. hindi na ako nahiya.. naman mahihiya ka pa ba.. eh ang tagal ko na kayang naghintay sa transcript ko! kaya hayun.. wala din namang nagawa ang katatalak ko.. makauwi na nga lang... kaya ayun.. umuwi ako.. bukas na lang ulit.

bata bata paano ka ginawa?

paano ba ako magsisimula... hmmm... pagod na kasi ako sa ka iingles eh.. kaya naisipan kong gumawa ng purong tagalog.. ngawit na kasi ang dila ko.. nauubusan na rin ako ng ingles..